Lord Patawad Liriko ng Kanta - Bassilyo
Lord Patawad
Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
Baka may kakilala Ka na pwede kong utangan
Kasi alam Mo na sa tong-its, talo ako
Puwede bang bigyan ako kahit anim na numero?
Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan
Sana'y may artista na maka-date man lamang
Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez
Sana ako'y pumogi, pumuti, at maging flawless
Kinakausap lang Kita
kapag nangangailangan
No'ng ako'y binasted ng aking nililigawan
Problemado po ako at wala 'kong pang-inom
Ang hina ko sa 'Yo, 'yun ang hinala ko noon
Kinakausap lang Kita
kapag ako'y nangangailangan
Ang aking iniisip, puro pansarili lamang
At kapag may mabigat na problema at seryoso
Doon ko lang naaalala ang pangalan Mo
Lord, patawad
'Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
'Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Ako'y nagsisimba kapag
gusto ko lang
'Pag may bagong damit na ipagyayabang
'Pag may bagong biling mahal na pabango
Kapag bago ang shoes o kaya ang relo
Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
'Pag may jowa akong makakalampungan
Kapag may mga bebot na ang gaganda
Kapag mayro'ng baklitang nakakatawa
Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang
'Pag and'yan ang tropa't nagkayayaan
Hahanap ako ng mapagti-tripan
Pagkatapos ng misa ay aabangan
Lord, patawad
'Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Lord, patawad
'Pagkat ako'y makasalanan
Makasalanang nilalang
Akala ko dati ay kaya
ko na
Kaya ko nang mabuhay mag-isa
Ang daming trabaho, babae't pera
'Pag ako'y sagana, 'di Kita kilala
Naalala Kita no'ng
ako'y nakulong
Parang bubuyog, bulong nang bulong
'Pag may kamalasan sa 'king nangyari
Ikaw lang nang Ikaw aking sinisisi
Kapag mayro'ng debate,
sino'ng magaling?
Sino'ng matuwid? Sino ang nagsinungaling?
Ako'y naiiling at mistulang sanggol
'Di man lamang Kita kayang ipagtanggol
Sinosolo ko lang ang bigay Mong blessings
'Pag kumanta ako, dapat ay bayad din
Bakit nga ba sa 'Yo ay wala akong time?
Pa'no kung Ikaw na ang mawalan sa 'kin ng time?
Lord, patawad
Lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh, Lord
Lord, Lord, Lord, patawad
Lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh, Lord
Sa puso ko'y lagi
S'yang kumakatok
'Di ko binuksan, 'di ko pinapasok
Tuktok ng bundok na Kan'yang inakyat
Tignan ko pa lang, ako ay nilagnat
Dapat ako ang ipako sa cross
Dapat ako ay siyang nanlilimos
Ng awa't patawad sa ating Ama
Ngunit masama pa ang pinadama
Da-da-da-da-da-da-da-da-da-da
Puro ako salita at dada
Sa biyaya, ako'y naaatat
Pero kahit kailan, 'di nagpasalamat
Nagduda ako sa kakayahan Mo
'Di ako nararapat sa Iyo
Masyado akong mapagmalaki
Pero kahit kailan, hindi Ka naghiganti
Lord, patawad
'Pagkat ako'y makasalanan (lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh)
Makasalanang nilalang (Lord)
Lord, Lord, Lord, patawad
'Pagkat ako'y makasalanan (lo-oh-oh-oh, oh-oh-oh)
Makasalanang nilalang (Lord)
"Si Basilyo, na ang tunay na pangalan ay Abner Antonio, ay isang Filipino rapper, mang-aawit, at kanta-kanta. Nakilala siya sa industriya ng musika sa Pilipinas sa kanyang sikat na kanta na "Lord Patawad" noong 2014. Isinilang noong Enero 1, 1989, sa Pilipinas, nakilala si Basilyo sa pamamagitan ng kanyang kakaibang estilo at mapusok na mga pagtatanghal. Kilala siya sa kanyang mga taos-pusong liriko at emosyonal na paghahatid, kung saan madalas niyang tinatalakay ang mga personal na karanasan, pag-iisip sa sarili, at mga isyung panlipunan. Ang kanyang mga kanta ay umaabot sa mga manonood dahil sa mga temang kaugnay sa kanila at sa tapat na katotohanan. Ang kakayahan ni Basilyo na ipahayag ang malalim na damdamin sa pamamagitan ng kanyang musika ay nagdulot sa kanya ng isang nakatutok na pangkat ng mga tagahanga.
("Basilyo, whose real name is Abner Antonio, is a Filipino rapper, singer, and songwriter. He gained prominence in the Philippine music industry with his hit song "Lord Patawad" in 2014. Born on January 1, 1989, in the Philippines, Basilyo has made a name for himself through his unique style and passionate performances. Known for his heartfelt lyrics and emotional delivery, Basilyo's music often touches on personal experiences, introspection, and social issues. His songs resonate with audiences due to their relatable themes and raw honesty. Basilyo's ability to express deep emotions through his music has garnered him a dedicated fan base.)

Comments
Post a Comment